<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

Buwaya sa Mt. Pinatubo[?]
Martes, Mayo 6, 2008

"Pinatubo ang tawag sa mga

tinderong sobra kung magpatubo!"

linggo
Bumili ako ng soya sa halagang piso kada takal, ibebenta ko ito ng 1.50 kada takal para may tubo akong 50 sentimos.

lunes
Nabenta ko na ang binili kong soya. Bumili ulit ako, kaso nagtaas na ang presyo nito, 10 piso na kada takal. Wala akong magagawa kundi ibenta ito ng 15 piso para kumita ako ng 5 piso.

martes
Hindi ko nabenta ang soya na binili ko kahapon. Pero nagpunta ako sa binibilhan ko nito, nagulat ako, dahil 20 piso na ang presyo nito kada takal. Kung ibebenta ko ang binili ko kahapon sa halagang 15 piso, lugi ba ako?

*sagot.
Hindi! dahil ang pinuhunan ko sa pagbili ng soya noong martes ay 10 piso, kung ibebenta ko ito ng 15 piso, tutubo pa ako ng 5 piso!

Alam ko na magtataho lang ako, at walang koneksyon sa akin ang halaga ng langis! Magtaas man 'yun wala akong pakialam. Pero naguguluhan talaga ako. Bakit kaya sinasabi ng mga nagbebenta ng langis na nalulugi sila dahil nagtaas ang presyo ng langis sa pinagkukunan nila. Pero 'di ba 'yung mga binebenta nilang langis ngayon ay galing sa Pandacan? 'Di ba matagal na nila 'yung binili sa ibang bansa at inimbak lang nila sa Pandacan? Kung ang halaga ng langis ngayon kada bariles ay $102 at ibebenta nila ito ngayon ng $95 kada bariles, lugi ba sila? Eh binili nila ang langis na ito dati sa halagang $90 kada bariles o masmura pa?

Napaka weird nila mag-isip!

Dahil ang krudo ay isa sa mga pangunahing pangangailangan, may responsibilidad ang gobyerno at mga mangangalakal nito na huwag taasan ng sobra ang tubo nila dito. pero bakit kaya nila nagagawa 'yun? Nagagawa nilang sabihin na nalulugi sila sa kabila ng katotohanang kumikita pa sila, kung nalulugi sila, edi sana 'di na sila nagbebenta!?!
***

Kanina, nakumpirma ko ang teyorya kong ito na nandadaya ang mga mangangalakal ng langis kay Atty. Macmod. Ang teyorya n'ya ay katulad ng teyorya ko, at kinumpirma pa n'ya ito anya sa kanyang kaibigan na nagtrabaho sa gobyerno. Tinanong n'ya ito kung bakit 'do ito nakikita ng gobyerno, sagot nito, alam 'yan ng gobyerno, ang problema lang sa kada 10 sentimos na pagtaas ng presyo ng krudo kada litro, 100M piso ang napupunta sa Malacanang.

Iniisip ko kung bakit sa Malacanang at hindi sa gobyerno. Iniisip ko na kung sa buwis sa gobyerno ang punta nito, eh hindi, sabi sa Malacanang. Nangangahulugan ba ito na sa bulsa lang ng mga opisyal nito napupunta ang 100M? Kung gayun man, mga buwaya sila!

"Ang mga buwaya

ay kaibigan ng mga anak ng pinatubo!"


(Disclaimer: Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga haka-haka o kuro-kuro ng isang ordinaryong mamamayan lamang. Ito ay HINDI humihikayat ng pag-aaklas o kung anu pa mang makakaliwang gawain. Ang hinihingi lamang ng may akda nito ay maging mapanuri tayo at 'wag magsawalang-bahala. At hindi po ako tindero ng taho!)

Mga etiketa:

posted by Tajo @ 7:40 PM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home