<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

Pangarap (vs.) Tungkulin
Sabado, Mayo 3, 2008

"What will you do after your dreams come true...?

...there are things more important than your dreams"

-the Fullmetal Alchemist



Tama nga naman! Kahit ako, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling maabot ko na ang mga pangarap ko. Pero meron na akong naisip, 'di ko nga lang alam kung sapat na ang mga ito! Kapag natupad ko na ang pangarap ko, gagawa ako ng panibagong mga pangarap. Pangkaraniwan na ito sa 'ting mga tao. Ang walang humpay na pangangarap. Ang 'di pagkakuntento kahit halos lahat na ng bagay sa mundo ay nasa mga kamay na natin.

Hindi naman mahirap ang mangarap. Ang mahirap lang ay ang tuparin ito. Ang hindi gumawa ng masama kapalit nito ang s'yang tunay na hamon sa pagtupad ng mga ito. At ang isa pang malaking hadlang sa ating mga pangarap ay ang mga bagay na masmahalaga kaysa dito. Mga bagay na kahit balik-baligtarin man natin ang mundo, 'ni minsa'y hindi natin pinangarap! Mga bagay o tungkulin na kung hindi natin gagampanan ay isang napakalaking kasalanan.


At ang pinakamasakit sa lahat ay ang pumili sa pag-itan ng ating mga pangarap at ng ating pamilya/mga mahal sa buhay, at isa lang sa kanila ang maaari mong piliin. Napakahirap timbangin, lalo na kung ang mga ito na pinangarap mo ay pinapangarap mo ring ibahagi sa pamilya mo. Malungkot mang isipin, ngunit hindi imposibleng mangyari na kung isasakripisyo mo ang pamilya/mahal mo sa buhay, maaaring naglaho na sila, kapag natupad mo na ang mga pangarap mo!

"Prioritize your ultimate dreams!"

inspired by:
C. San Diego

Mga etiketa:

posted by Tajo @ 12:24 PM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home