<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

Unang Sibilisayong Pilipino, Kauna-unahan sa Mundo [?]
Huwebes, Hunyo 5, 2008

Sa edad kong ito--21, hindi ko pa masyadong maintindihan kung saan ba talaga ako nagmula. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aking tinitirhan bago pa dumating sa bansa si Magellan.

May mga kwentong binigay sa libro kung sino ang aming mga ninuno. Ang mga ninuno ba namin ay sadyang mga banyaga rin? Ayon sa mga kwento, ang mga sinaunang Pilipino ay nagbuhat sa iba't ibang bansa o pulo na nakapalibot sa Kapuluan ng Pilipinas.

Ang mga kwentong ito, ay mga teyorya lamang. Ito ay parang mga alamat na tinanggap na ng nakararami. Para sa iba, sapat na ang mga ito.

Kung totoo man ang mga kwentong ito, ano ba ang nangyari, mula ng dumating sila, hanggang sa dumating ang mga kastila sa bansa. Wala na...hanggang doon lamang ang kaalaman ng mga Pilipino.

Para sa iba, bakit pa natin sasagutin ang mga katanungang ito lalo na kung mahirap itong gawin.

Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino. Pagkat ang mga Pilipino ay may-takot sa Diyos, isang lahi na pinagpala ng magandang bayan, at isang lipunan na masigasig na ibinabangon ang bayang sinira at tuluyang sinisira ng bulok na sistema.

Ngunit, tama ba na sabihin kong *sinira*? Ano ba ang nasira? Bago ba dumating ang mga mananakop ay mayroon nang sibilisasyon sa ating bayan? Maaring ang mga sinaunang Pilipino pala ang nagturo sa ibang lahi ng kanilang ipinagmamalaking sibilisasyon.

Paaano kung may isang mahalagang bagay na makasasagot ng ganitong katanungan ang mahukay sa ating bansa. Papaano kung ang plano ng Great Pyramids ay nandito sa Pilipinas? Papaano kung ang mga sinaunang intsik at hapon ay gumagamit ng alibata sa kanilang pagsulat. At ang kauna-unahang kaharian na naitatag sa Europa ay pinamunuan ng isang ermitanyong Pilipino.

Napakaimposible nitong mangyari di ba? Lalo na kung walang isang Pilipino ang magkakainteres na magsaliksik upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kauna-unahang sibilisasyon sa bansa na maaaring kauna-unahan din sa sanlibutan.



malay mo, meron na...
watch Gintong Pamana
on abs-cbn, july 8 @ 10pm
my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 12:51 PM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home