<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

RE: Wanted!
Linggo, Hunyo 29, 2008


Daming nagre-react at kino-confirm kung totoong pangEt 'yung movie...

Hayy! Baka makasuhan ako ng producers at distributors nun ah...
At magalit sa 'kin fans nina angelina! Aww! peace tayo ha?!

Dami palang gustong manuod, at ngayon after mabasa 'yung pagkadismaya ko sa pelikulang 'to, daming nag-back-out...Aww! Suri!

Reasons bakit nasabi kong pangit 'yung movie:


  • Plot, pangit 'yung pagkakaayos, talo pa ang gladiator.

  • Visual Effects, parang Mission Impossible na kita mo 'yung bala, naka slow-motion mode, pinagkaiba lang nila, dito lumiliko 'yung bala, at the Fast and the Furious, tuma-tumbling 'yung mga kotse --eto luma na nga 'yung effects pero masmaganda pa 'yung sa Fast and the Furious.

  • Fighting/Action Scenes, ang bida, mga balang naka-slow-mo, halos sila lang 'ung naglalabanan, iniisip ko nga kung mei mga double pa ba 'yung mga artista na balang 'yun eh.

  • Twist, meron ba? parang wala eh, expected na ata 'yung mangyayari. Para ngang di ko nag-isip dun sa movie, nakatingin lang ako sa screen, muntik pa kong makatulog sa umpisa at gitna.

at ang pinakamahalagang batayan kung maganda ang isang movie



  • After Effect, (eto 'yung epekto sa 'yo ng movie after mong manuod, either na pa-oonga noh?, or parang merong di ka makalimutan at kahit lumabas ka na ng sinehan eh kitang kita sa'yo na naapektuhan ka, pedeng lss, or pinagkwekwentuhan n'yo 'yung movie after kahit pareho naman kayong nanuod or gustung-gusto mong ikwento ito sa iba s sobrang ganda.) at eto ang good news, MERONG After Effect! Maririnig mong nagkwe-kwentuhan ang mga tao, at kitang kita or damang dama mo na nanuod nga sila nung movie, 'yun nga lang negative. Pinagkwekwentuhan nila kung ga'no sila nadismaya at damang dama mo kung pa'no sila nanghinayang. at ito ang pinakapinagbatayan ko kung bakit ako naiinis. Pero wala na kong magagawa eh! tapos na!

masmabuti pa nga kung ako lang hindi nagandahan, kasi baka ako lang 'yung nadismaya, eh hindi eh!



Sorry po talaga sa mga gumawa at fans nung movie, I have to post this. Sorry!


DISCLAIMER: Di po ko isang magaling na kritiko ng mga pelikula, hindi rin po ako awtoridad sa larangan nito. Ang mga nabasa ninyo ay pawang mga opinyon at obserbasyon lamang. Salamat po! nakokonsensya talaga ako! hehe! pero sa 'kin lang, page ko 'to eh! Kanya-kanya lang tayong taste. Baka na-exag ko lang kasi dami nasayang sa kin nun, friday pa! hahaha!

*extra

nakwento sa'kin ng kasama kong nanuod, meron s'yang friend na sobrang nagandahan, at tuwang tuwa sa pagkwekwento. Nagtataka nga eaw s'ya kung bakit? Well, kanya-kanya lang talaga 'yan, dati nga marami rin kong narinig na nagkwekwento na sobrang ganda ng jumper...awww! Kung ikaw, nagandahan ka 'dun, malamang sobrang mamamangha ka rin sa wanted! hehehe!

note: medyo malalim po 'yung taste ko sa mga movie. Madalas nire-rate ko sila kung pang-movie house, pang-dvd or pang-pirated dvd lang. hehehe! Sa 'kin maganda 'yung wanted for dvd.

'yung mga nakasulat sa taas, naisip ko lang 'yan after kong manuod at hindi habang nanunuod, baka kasi isipin ng iba ganun ko manuod ng movie, hehehe! After lang tsaka ko ina-analyze 'yung mga elements(?) n'ya



my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 10:37 AM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home