Piko: Ang Pagsilang
Biyernes, Marso 13, 2009
(hi guys. Pang-mark lang 'to na sinimulan ko ang kwentong ito ngayon, pero sa totoo, matagal na 'tong nagsimula)
I
A SA A
ahan-dahang nahulog mula sa langit ang kauna-unahang patak ng tag-ulan. Dumampi iyon sa pisngi ni Tandang Aga na noo'y nagkataong naghahanda ng bukid na kanyang pagasasakahan. Tuwang tuwa siya sapagkat tamang tama lamang ang pagdating ng ulan upang masmapadali ang pagbubungakal niya ng lupa.
Sa kanyang kagalakan, ninais pa niyang lasapin ang kauna-unahang patak na iyon. Bagamat sa ito'y maalat, dahil ayon sa kanya ay epekto ng polusyon sa tubig at hangin, bakas pa rin sa kanyang mukha ang saya. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang malasap pa ang susunod na patak ng para sa kanya ay tila matamis at masarap na sorbetes.
Tumingala siya sa langit nang buong galak at kanyang naaninag ang pinakaaasam na sorbetes na kulay dilas (cheese flavoured). Ngunit bago pa man niya ito matikman, napansin niyang mataas at tirik na tirik ang araw, maaliwalas ang kalangitan at walang bakas ng kahit kaunting ulap na may dalang ulan. Kung kaya't dali-daling iniwasan niya ang sorbetes na nahuhulog mula sa langit. Bukod dito ay kanya ring nakita ang isang uwak na humahalakhak na lumilipad.

Tandang Aga:
" letcheng ibon 'to! Buti na lang at naiwasan ko 'yung 'yung ice cream!
Walang-hiyang ibon 'yun, kaya pala maalat."
(O Tandang Aga, akala ko ba, e polusyon lang 'yun, hahaha!)

Bigla na lamang nagising si Tandang Aga, ngunit parang ewan lang at nakapikit pa rin. Muli niyang naramdaman ang patak ng tubig sa kanyang pisngi. Sa takot na ito'y wiwi na naman ng isang ibong tuwang tuwa, hindi na niya ito sinubukan pang lasaping muli. Ngunit sa pagkakataong ito, malamig ang kapaligiran at hindi na ito panaginip. Totoo na ngang umuulan.
Ngunit bakit nga ba siya nababasa? 'Di kaya may sira ang bubong ng kanilang bahay? Bumalikwas siya agad-agad at sinuri ang kisame ng bahay ngunit wala siyang nakitang tulo mula dito. Dapat lang siguro, mahal ang ibinayad n'ya sa gumawa ng bubungan ng kanilang tahanan. Maliban na lamang kung naloko s'ya ng kanyang kumpare na kanyang pinagkatiwalaan. Pero sa'n nga ba nagmumula ang tulo?
Sa sandaling iyon, nakita niya ang kanyang kapatid na si Ching na kikilig habang natutulog.

(Ah! kaya naman pala mainit! Wiwi pa rin naman pala eh, pero ng ibang ibon nga lang!)
Abangan ang susunod na mga kaganapan sa larong ito.
posted by Tajo @ 8:36 AM,