<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

RONA (pre-SONA)
Sabado, Hulyo 26, 2008

bakit raw rONA, kasi rONA comes before sONA...(corny)

Anyway, kahapon, nanuod kami ng balita sa tv. Ipinakita 'yung isusuot ni gloria sa SONA niya sa Lunes.

Tinanaong ako ng ate ko kung ano raw gusto ko marinig na sabihin n'ya, wala lang, tugon ko. Kahit naman ano pa sabihin ko, 'di rin mababago sasabihin n'ya eh! Sumagot ang ate ko, hula ko ang gusto mo marinig sa kanya 'i resign!'.

Nagulat ako, kaya sumagot na lang ako. Hindi noh! Dalawang taon na lang s'ya pangulo magreresign pa s'ya, pagbigyan na lang natin s'ya, nakapagtiis tayo ng mahigit 5 taon tapos 2 taon na lang 'di pa natin ibabalato sa kanya, malay mo may magawa pa s'ya, tsaka kahit naman may gawin s'yang masama, i'm sure lesser evil 'yun, kasi paniyak ang papalit sa kanya gagawa rin ng masama. Eh ipaubaya na lang natin sa kanya, kasi atleast matatag s'ya at ekonomista, kahit papa'no may-alam.

Pero ang gusto ko talagang marinig sa kanya ay 'di ang mga ipinagmamalaki n'ya na nagawa n'ya kundi ang mga ito(sigurado kong bebenta sa mga tao):


  • Aminin n'ya ang problema at totoong kinalalagyan ng bansa.
  • Sabihin n'ya sa mga tao na bilang pinuno ng bansa ay gagawin n'yang lahat para makabangon tayo mula sa mga problemang ito.
  • Sabihin n'ya sa lahat na hindi n'ya kaya na mag-isang kumilos para maiangat ang bansa kaya kailangan n'ya ang tulong natin
  • Hikayatin o himukin ang lahat na magtulungan
  • Gumawa siya ng speech na pupukaw sa damdamin ng bawat Pilipino maging ng mga kalaban niya sa pulitika (katulad ng sa mga hari/heneral bago sumugod sa gyera).
  • Kailangang maitaas n'ya ang morale ng lahi nang sa gayo'y maging produktibo at inspiarado ang bawat isa.
  • Himukin ang simbahan lalo na ang media na nawa'y sa kanila mag-umpisa ang pagkakaisa, dahil sila ang may pinakamalawak na impluwensya sa kaisipan ng bawat isa. (sana itigil nila ang magmamagalingan)
  • Sabihin n'ya na marami s'yang limitasyon at pagkukulang, kung kaya hingin niya sa lahat na maging mahinahon at idaan sa tamang proseso ang mga pagwawasto sa kanyang magagawang pagkakamali at ng iba.
  • sabihin n'ya na magagawa nating harapin at lutasin ang mga suliranin ng bansa, pagkat tayo ay mga Pilipino, lahing walang inaatrasan, masikap, at mapagtagumpay!


Ang kailangan ng isang bayan sa panahon ng kahirapan at kagipitan ay hindi ang mapagmayabang na mga salita kundi ang mga salitang bubuhay sa pag-asa at morale ng bawat isa. Ang SONA ay ginagawa upang iapaalam sa mamamayan kung ano na ang kinatatayuan natin at nang sa gayon ay tawagin ang lahat na magkaisa at kumilos para sa pagbabago o sa ikauunlad pa ng ating bayan.

Ang hamon ay para sa bawat isa, para sa iyo, kaya ang kahahantungan ng bansa sa susunod na mga taon ay dahil sa kung ano ang gagawin ng bawat isa, kung ano ang gagawin mo. 'Wag kang magtuturo, dahil damay ka rin dito!

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 1:04 PM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home