Pagnaghoy ng Makata
Linggo, Mayo 4, 2008
Ang tumibag ng bundok
Magpadaloy ng ilog
Magdilig ng gubat
Magtanglaw ng lungsod
Ang umihip ng hangin
At maghukay ng lawa
Ang makaguhit ng dapithapon
Gamit-gamit ang salita
Makalikha ng tulang
Pumupukaw ng diwa
Ang siyang pinapangarap
Ng tulad kong makata
Ngunit kahit anu man
Ang ganda ng katha,
'Di man lang maikumpara
Sa mga gawa ni Bathala
inspired by: Joyce Kilmer
Mga etiketa: tula
posted by Tajo @ 5:00 PM,
,
![]()
'Di Ako Mamamatay Kung Walang Diyos!
Huwebes, Mayo 1, 2008
Kung ‘di ko nakilala ang Diyos,
Hindi ako mamamatay!
Kung ‘di ko natagpuan ang Diyos,
Hindi ako malulumbay!
Wala akong madarama,
Walang problemang dinadala,
Kung hindi ko S’YA nakilala,
Ito’y walang kaduda-duda!
Hindi ko na kakailangan pa,
Na humingi ng awa sa KANYA,
‘Pagkat kung wala SIYA,
Kailanma’y di’ko magiging kaawa-awa!
Sinasabi ko sa inyo,
Na ipagsisigawan ko,
Kahit pa sa buong mundo,
Tingin man nila’y mali ako,
Ipaglalaban ko ito:
Hindi ako mamamatay!
Kung ‘di ko natagpuan ang Diyos,
Hindi ako malulumbay!
Wala akong madarama,
Walang problemang dinadala,
Kung hindi ko S’YA nakilala,
Ito’y walang kaduda-duda!
Hindi ko na kakailangan pa,
Na humingi ng awa sa KANYA,
‘Pagkat kung wala SIYA,
Kailanma’y di’ko magiging kaawa-awa!
Sinasabi ko sa inyo,
Na ipagsisigawan ko,
Kahit pa sa buong mundo,
Tingin man nila’y mali ako,
Ipaglalaban ko ito:
Kung walang DIYOS,
Hinding hindi ako mamamatay!
Pagkat kung wala SIYA’y
Kailanma’y ’di ako mabubuhay!
inspired by: Luis Cernuda (+)
Mga etiketa: tula
posted by Tajo @ 5:22 PM,
,
![]()








