<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

Bata! Pa'no ka gawin? =D
Lunes, Hunyo 30, 2008

Pa'nu ba gumawa ng Bata?

Sayang, 'di ko sila pedeng kunan. Ang cute pa man din nila. Para silang mga laruan na mamahalin. Sana maging sing-cute nila ang mga magiging anak ko, hehehe! Pa'no kaya makagagawa ng sing-cute nila, may tamang proseso ba? *_*

Nung B'yernes, pagkatpos ko naming manuod magkakaibigan ng Wanted, bakas na bakas pa rin sa 'kin 'yung after effect. Pagsakay ko sa LRT. S'yempre, siksikan ang mga tao. Parang wala ring air-con. Wala namang bago, maliban na lang nung umalis ang mamang katabi ko. Sa pagbaba n'ya ng tren, nakita ko ang isang patak ng tubig sa sahig. Sa tapat n'un ay nakita ko ang isang maliit na bata, tulo-laway. hehehe!

***

Habang kalung-kalong s'ya ng kanyang ina, may hawak siya ng isang supot na galing sa Jollibee, may laman itong french fries. Pinaikot-ikot nung bata yung supot na parang hinahanap n'ya ang bukasan, pero mahigpit ang pagkakatali n'un kung kaya't 'di n'ya ito makalas.


Hindi sumuko 'yung bata, talagang gustung gusto niya n'ung fries, kaya kahit may plastik pa, pinilit niyang kainin 'to. 'Ayun, nauwi sa wala, pero 'di sya tumigil, nginangata pa rin n'ya yung fries kahit may plastik. kawawang bata, ninanamnam ang fries na lasang plastik. Kung bakit naman kasi bawal 'yung pagkain sa tren eh! hehehe! Pero bata naman 'yun bakit 'di pa pagbigyan.

Nagpalinga-linga ako. Kaya naman pala 'di s'ya pinapayagan ni mommy na kumain kasi may guard. Umalis 'yung guard sa cooaster, lumipat s'ya sa kabila, n'ung napansin 'yun ni mommy, ikinuha n'ya ng isang fries 'yung bata, wala naman 'yung guard eh. Hahaha! Tuwang-tuwa 'yung bata! sa kagalakan n'ya lalo pa s'yang naglaway. Kitang-kita 'yung ngiti sa labi n'ya, at sa mga ngipin n'yang bago pa lang lumalabas. cute.


***


LRT Santolan to Sta. Lucia


***


Mula Sta. Lucia, sumakay akong jeep pauwi sa Cardona, d'un naman, nakasakay ko ang isang pamilya. Si Tatay, Nanay, Kuyang maliit at si baby girl. Mukhang namasyal sila ah. Hehehe! Anlaki ng mata ni baby girl. Naktitig s'ya sa'kin. Lagot, baka mausog ko 'yung bata, pero hindi eh, nginitian n'ya nga ko eh, ayun napangiti rin ako...2 lang 'yung ngipin n'ya eh, maliliit pa, kaya ininggit ko rin s'ya, hahaha, masmarami kong ngipin kesa sa'yo.

Habang tumatakbo ang jeep, nagpatugtog ng radyo si manong driver, nagpumiglas si baby mula sa pagkakakadong n'ya kay nanay, naibaba s'ya ni nanay, pinagtitinginan s'ya ng mga tao sa kakulitan. S'yempre pabida si baby girl, bigla na lang s'yang kumembot, umindak at tuluyan nang sumayaw habang inaalalayan ni nanay. hehehe! ang cute. Lumilipat nga s'ya dun sa isang malaking mama na katabi nila at sinasayawan n'ya, kala ko magagalit 'yung mama, pero bigla s'yang humalakhak.

Nasa Binangonan High-way na kami nang bumaba 'yung mama, nagkar'on ng bakanteng lugar sa tabi nila, kaya't nagpumilit si baby na umakyat, nang iakyat s'ya ni nanay, humiga s'ya at nakatulog sa pagod, hehe, angkyut pa rin n'ya.

***

Weakness talaga ng mga matatanda ang mga batang makukulit ('di 'yung sinusumpong ha?!). Nakakatanggal ng pagod at sakit ng ulo. Natanggal nga sa'kin yung after effect nung movie eh! hehe! Teka, ibig sabihin n'un matanda na ako? Oh HINDEEEEEE! hahaha!

Pa'no kaya gumawa ng sing-kyut nilang baby! Basta, ang sure ako na isa sa mga ingredient sa paggawa ng cute na baby ay l-o-v-e. LOVE.

extra:

Sa toto lang, binalak kong tanungin 'yung mga mommy nila kung panu nila ginawa 'yung mga baby nila, kaso di ko tinuloy, baka masmpal ako. hehehe!

posted by Tajo @ 9:33 AM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home