Sinong nauna, Einstein o Ernie Baron?
Martes, Hulyo 15, 2008
"Knowledge id Power" -Ernie Baron (1940-2006)
"Imagination is more important than Knowledge" -Albert Einstein (1879-1955)
Kung naunang mabuhay sa mundo si Einstein kaysa kay Ka Ernie, papaanong nagawa ng naunang kontrahin ang sinabi ng pangalawa? Magkakilala ba sila?
***
Ang mga katanungang tulad nito, ang s'yang naglalarawan kung papaano ako mag-isip. Nabibilang ito sa mga Teorya ni Tajo.
Ang Teorya ay; lihim bang naimbento ni Einstein ang Time Machine at nakapaglakabay s'ya sa panahon ni Ka Ernie nang sa gayon ay nagawa n'yang kontrahin ang pilosopiya nito sa kanyang (Einstein) panahon?
Napakalaking misteryo nito sa sangkatauhan! Mga katanungang sinubukan kong hanapan ng kasagutan sa aking mga kamag-aaral dati ngunit 'di nila ako masagot na maaaring may dalawang kadahilanan:
- Ayaw nilang mag-isip at bigyang atensyon ang aking katanungan dahil ito'y kahibangan lamang at walang mabuting maidudulot sa buhay nila!
- Nahihiya silang aminin na hindi rin nila alam ang kasagutan kung kaya't pinalalabas nilang kabaliwan lamang ang ideyang ito!
Ngunit ako, hindi ako titigil hanggat hindi nalulutas ang misteryo.
"Papaanong nagawang kontrahin ng isa ang pilosopiyang 'di man lang niya naabutan?"
Kung kaya't nagtanung-tanung pa ako, marami ang nagbigay ng komento at panibagong kuru-kuro kung papaano malulutas ang misteryo. May isang tumatak sa aking isipan na maaaring maidagdag sa mga teoryang ito, ito ay:
"Maaaring kamag-anak ni Einstein si Nostradamus!"-R.Larga
***
Noong una, natatakot akong ilathala sa aking blog ang teoryang ito sa takot na baka ako ay damputin ng mga kinikilalang mahuhusay sa kanilang larangan tulad ng CIA, Secret Service at ng Abu Sayaff sa pag-aakalang may alam ako tungkol sa Time Machine.
Ngunit bilang isang batikang nagpapanggap na manunulat, buong tapang kong haharapin ang takot!
***
Ikaw, kaya mo bang Lutasin ang misteryong ito? O katulad ka rin ng ilan na takot mag-isip? Lalo na 'yung mga takot na malaman na wala sila nito... Kaya mo bang harapin ang aking hamon?
KUNG OO! Magsimula ka nang magsaliksik kung bakit alam ni Einstein ang pilosopiyang "Knowledge is Power" at nagawa niya itong kontrahin?
clue: Kilalanin mo ang tao sa ikatlo, ikalima at ikaanim na larawan
May nag-iisip na g*go ko mag-isip, pero ang masasabi ko lang, alam ko ang sagot sa malamisteryong katanungang ito, sila ba alam nila? Kilala ba nila 'yung nasa ikalimang larawan?
***
Happy Sweldo Day! Malamang may date kami ni ren ko on friday! hehehe! ;)
.
Mga etiketa: Tajo Philosophy, Teorya ni Tajo
posted by Tajo @ 2:32 PM,