<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

Alingaw-ngaw
Linggo, Hulyo 20, 2008

ISANG bata ang nangahoy sa bundok. Pagkarating niya sa tuktok ng nito ay namangha siya sa napakagandang tanawin. Habang napapamangha ay naisipan nitong sumigaw ng napakalakas...

(!!): H E L L O O O!

Laking gulat nito ng may sumagot...

(??): H E L L O - L O - L O...

(!!): Kamusta ka?

(??): Kamusta ka?

Nainis ito dahil kahit ano'ng sabihin niya ay ginagaya nito.

(!!): Nang-iinis ka ba?

(??) Nang-iinis ka ba?

(!!) Ginagalit mo ko ha?

(??): Ginagalit mo ko ha?

(!!): P*tang *na mo!

(??): P*tang *na mo!

Sa inis ng bata ay umuwi na ito at nagsumbong sa kanyang ina. "Nay, may salbaheng bata dun sa kabilang bundok. Ginagaya po niya lahat ng sabihin ko. Sa inis ko tinanong ko po kung bakit n'ya ko iniinis tapos minura n'ya ko! Kainis talaga 'yun!"

Humalakhak ng malakas ang kanyang ina at sinabing, "Anak, hindi salbahe ang batang 'yun, kilala ko s'ya alam kong mabait 'yun kahit na madalas matigas ang ulo n'ya. Bakit 'di mo subukang magsabi ng magaganda tungkol sa kanya, makikita mo."

Kinabukasan, sa pagbalik ng bata sa bundok para mangahoy, muli niyang narating ang tuktok nito at sinubukan n'ya uling sumigaw at sundin ang bilin sa kanya ng kanyang ina.

(!!): H E L L O ! ! !

(??): H E L L O ! ! !

(!!): Kamusta ka?

(??): Kamusta ka?

(!!): Mabuti!

(??): Mabuti!

(!!): Gusto kitang maging kaibigan!

(??): Gusto kitang maging kaibigan!

(!!): Yey! Magkaibigan na tayo!

(??): Yey! Magkaibigan na tayo!

(!!): Sige, uwi na 'ko! Ingat ka!

(??): Sige, uwi na 'ko! Ingat ka!

Bumalik ulit siya kinabukasan at paulit-ulit kinausap ang alingaw-ngaw, hanggang sa malaman n'yang ang kausap pala n'ya ay walang iba kundi ang kanyang sarili. Kaya sa huling pagkakataon, sumigaw siya...

(!!): I LOVE YOU!

(**): I LOVE YOU, too!

***

Ang mga sabihin at gawin natin sa iba ay babalik rin sa atin. Maaaring ito sa ngayon o sa ibang pagkakataon at paraan.

Natural na sa ating mga tao ang mapaisip na, sana ang lahat ng masasamang loob ay maglaho na at lamunin ng lupa nang sa gayo'y makapamuhay tayo ng mapayapa.

At sana ang lahat silang mga kurakot at tiwaling opisyal, pinuno at kababayan ay kunin na ng Panginoon at sunugin na sa impyerno o 'di kaya'y magkaroron ng malulubhang karamdaman o 'di kaya'y bitayin na agad sa plaza sa harap ng madla.

Parang tama 'yun 'no? Sana nga mangyari 'yun sa lahat ng mga makasalan. Sana lahat ng makasalanan ay kunin na ng Diyos, ngayon na! (kung sakaling mangyayari nga 'to, **bloof** di na matatapos ang post na 'to, o matapos ko mang i-post, 'di mo na 'to matatapos basahin.)

Kasi po, lahat po tayo ay makasalanan. *uy may nagreact, 'di raw s'ya kasama sa lahat* Opo, lahat po tayo, kung iniisip mo na 'di ka kasama 'dun, ngayon pa lamang, pagnilayan po natin kung tayo ba ay isang tunay na humble o hambog lang na nagpapanggap na walang-bahid kahit kaunting kamalian.

Kung inaamin mo na na ikaw ay may kasalanan, bakit 'di natin ihanay ang ating sarili sa mga salot ng lipunan na nais nating maglaho na na parang mga bula.

Eh kung makasalanan tayo, bakit 'di tayo kinukuha pa ni Lord at parusahan. Kasi po gusto Niya tayong bigyan ng pagkakataong makapagsisi at magbagong buhay at maging instrumento N'ya upang maakay ang iba pa nating mga kapatid na naliligaw upang maibalik s landas patungo sa May-Likha.

Ang lahat po ay tinawag, na umunawa, magpatawad at umakay at mamuhay patungo sa kanya.

Batuhin natin ng tinapay ay mga bumabato sa atin ng bato at darating ang araw na tinapay na rin ang ibabato nila sa atin at sa iba pa na bumabato naman sa kanila ng bato.

Hindi masama ang makahawa at mahawa, kung ang bunga nito'y hindi sakit at sa halip ay kabutihan.


(pagnilayan ang: Karunungan 12:13.16-19; Mateo 13:24-30)

my signature by http://www.mylivesignature.com

Mga etiketa:

posted by Tajo @ 10:32 AM,




0 Comments:

Mag-post ng isang Komento

<< Home