Limang Sandaling Pag-upo = Buhay
Miyerkules, Hulyo 16, 2008
Isang pilosopiyang pilit ipinaglalaban ng ilan sa mga taong minsa'y aking nakadaum-palad. Pilosopiyang kanilang ipinaglalaban kahit buhay pa ang kapalit nito!
Opo, BUHAY nga!
*** (BABALA: Medyo walang kwenta 'to. Nainis lang talaga ako)
Isang sitwasyong naganap lamang kaninang umaga sa LRT-Santolan Station.
Nakapila ako nang maayos habang nag-aabang ng tren. Ako, wala sa ugali ko ang makipag-unahan para lang makaupo, sapat na sa akin ang nakasandal lamang. Dahilan? Simple lang, sigurado naman akong maya-maya lang pagkababa ko ng tren ay mangangawit ang aking p'witan sa pagkakaupo.
Dumating ang tren! 'Di pa man bumubukas ang pinto nito, nakikipagtulakan na ang mga nasa likod para makauna sila at makaupo. Pero sino ba ang kawawa kung sakaling magkaroon ng aksidente? Malamang sa malamang 'yung nasa harapan.
Ako, 'di ko naisip agad 'yun, una ko naisip, baka mangudngud ang mukhsa ko sa maalikabok na pinto ng tren o 'di kaya'y sumayad ang aking damit at mapuno ng alikabok...(ay!! putik pala tawag 'dun! suri)
Pero paano nga kung may maaksidente. Halimbawa, sa pagtulak ng nasa likod, biglang lumusot ang paa ng nasa harapan, o 'di kaya, mahulog ang gamit(pede ring alahas na maraming diamonds para masmadrama), kaya bang sagipin ng followers ang mga biktima, kaya ba nilang panagutan ang kinalabasan ng kanilang maling ASAL(karaniwang ginagamit upang tukuyin ang masamang ugali)? Hinde 'di ba?
***
Ano naman ang kapalit nito? Akala ko isa lang, mga pala:
- nakaupo sila at di nangawit sa pagtayo
- nagagalak sila dahil pakiramdam nila ay nakapanglamang sila/nakaisa(tama)
- tumataas ang morale nila dahil magaling silang sumingit at MAGPAHAMAK ng kapwa(isipin na lang natin na kapwa nga natin sila)
- pakiramdam nila ay hari/reyna sila habang nakapalibot sa kanila ang kanilang mga aliping nakatayo
Biruin mo nga oh! May mga tao talaga na ang pilosopiya sa buhay ay, 1st come should serve!
extra:
Alam mo ba kung bakit inasal ang tawag sa Bacolod chicken bbq?
sagot:
Dahil kapag kumain ka nito, mapapamura ka at lilitaw ang iyong asal sa mahal ng babayaran mo. Tsaka 'di rin daw magandang tawagin 'tong Bacolod Chicken Inugali, kasi raw, masagwa!
Ang corny noh? hephephep! 'wag kang magmumura, lilitaw ang Asal!
posted by Tajo @ 8:24 PM,