<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

Bata! Pa'no ka gawin? =D
Lunes, Hunyo 30, 2008

Pa'nu ba gumawa ng Bata?

Sayang, 'di ko sila pedeng kunan. Ang cute pa man din nila. Para silang mga laruan na mamahalin. Sana maging sing-cute nila ang mga magiging anak ko, hehehe! Pa'no kaya makagagawa ng sing-cute nila, may tamang proseso ba? *_*

Nung B'yernes, pagkatpos ko naming manuod magkakaibigan ng Wanted, bakas na bakas pa rin sa 'kin 'yung after effect. Pagsakay ko sa LRT. S'yempre, siksikan ang mga tao. Parang wala ring air-con. Wala namang bago, maliban na lang nung umalis ang mamang katabi ko. Sa pagbaba n'ya ng tren, nakita ko ang isang patak ng tubig sa sahig. Sa tapat n'un ay nakita ko ang isang maliit na bata, tulo-laway. hehehe!

***

Habang kalung-kalong s'ya ng kanyang ina, may hawak siya ng isang supot na galing sa Jollibee, may laman itong french fries. Pinaikot-ikot nung bata yung supot na parang hinahanap n'ya ang bukasan, pero mahigpit ang pagkakatali n'un kung kaya't 'di n'ya ito makalas.


Hindi sumuko 'yung bata, talagang gustung gusto niya n'ung fries, kaya kahit may plastik pa, pinilit niyang kainin 'to. 'Ayun, nauwi sa wala, pero 'di sya tumigil, nginangata pa rin n'ya yung fries kahit may plastik. kawawang bata, ninanamnam ang fries na lasang plastik. Kung bakit naman kasi bawal 'yung pagkain sa tren eh! hehehe! Pero bata naman 'yun bakit 'di pa pagbigyan.

Nagpalinga-linga ako. Kaya naman pala 'di s'ya pinapayagan ni mommy na kumain kasi may guard. Umalis 'yung guard sa cooaster, lumipat s'ya sa kabila, n'ung napansin 'yun ni mommy, ikinuha n'ya ng isang fries 'yung bata, wala naman 'yung guard eh. Hahaha! Tuwang-tuwa 'yung bata! sa kagalakan n'ya lalo pa s'yang naglaway. Kitang-kita 'yung ngiti sa labi n'ya, at sa mga ngipin n'yang bago pa lang lumalabas. cute.


***


LRT Santolan to Sta. Lucia


***


Mula Sta. Lucia, sumakay akong jeep pauwi sa Cardona, d'un naman, nakasakay ko ang isang pamilya. Si Tatay, Nanay, Kuyang maliit at si baby girl. Mukhang namasyal sila ah. Hehehe! Anlaki ng mata ni baby girl. Naktitig s'ya sa'kin. Lagot, baka mausog ko 'yung bata, pero hindi eh, nginitian n'ya nga ko eh, ayun napangiti rin ako...2 lang 'yung ngipin n'ya eh, maliliit pa, kaya ininggit ko rin s'ya, hahaha, masmarami kong ngipin kesa sa'yo.

Habang tumatakbo ang jeep, nagpatugtog ng radyo si manong driver, nagpumiglas si baby mula sa pagkakakadong n'ya kay nanay, naibaba s'ya ni nanay, pinagtitinginan s'ya ng mga tao sa kakulitan. S'yempre pabida si baby girl, bigla na lang s'yang kumembot, umindak at tuluyan nang sumayaw habang inaalalayan ni nanay. hehehe! ang cute. Lumilipat nga s'ya dun sa isang malaking mama na katabi nila at sinasayawan n'ya, kala ko magagalit 'yung mama, pero bigla s'yang humalakhak.

Nasa Binangonan High-way na kami nang bumaba 'yung mama, nagkar'on ng bakanteng lugar sa tabi nila, kaya't nagpumilit si baby na umakyat, nang iakyat s'ya ni nanay, humiga s'ya at nakatulog sa pagod, hehe, angkyut pa rin n'ya.

***

Weakness talaga ng mga matatanda ang mga batang makukulit ('di 'yung sinusumpong ha?!). Nakakatanggal ng pagod at sakit ng ulo. Natanggal nga sa'kin yung after effect nung movie eh! hehe! Teka, ibig sabihin n'un matanda na ako? Oh HINDEEEEEE! hahaha!

Pa'no kaya gumawa ng sing-kyut nilang baby! Basta, ang sure ako na isa sa mga ingredient sa paggawa ng cute na baby ay l-o-v-e. LOVE.

extra:

Sa toto lang, binalak kong tanungin 'yung mga mommy nila kung panu nila ginawa 'yung mga baby nila, kaso di ko tinuloy, baka masmpal ako. hehehe!

posted by Tajo @ 9:33 AM, ,




RE: Wanted!
Linggo, Hunyo 29, 2008


Daming nagre-react at kino-confirm kung totoong pangEt 'yung movie...

Hayy! Baka makasuhan ako ng producers at distributors nun ah...
At magalit sa 'kin fans nina angelina! Aww! peace tayo ha?!

Dami palang gustong manuod, at ngayon after mabasa 'yung pagkadismaya ko sa pelikulang 'to, daming nag-back-out...Aww! Suri!

Reasons bakit nasabi kong pangit 'yung movie:


  • Plot, pangit 'yung pagkakaayos, talo pa ang gladiator.

  • Visual Effects, parang Mission Impossible na kita mo 'yung bala, naka slow-motion mode, pinagkaiba lang nila, dito lumiliko 'yung bala, at the Fast and the Furious, tuma-tumbling 'yung mga kotse --eto luma na nga 'yung effects pero masmaganda pa 'yung sa Fast and the Furious.

  • Fighting/Action Scenes, ang bida, mga balang naka-slow-mo, halos sila lang 'ung naglalabanan, iniisip ko nga kung mei mga double pa ba 'yung mga artista na balang 'yun eh.

  • Twist, meron ba? parang wala eh, expected na ata 'yung mangyayari. Para ngang di ko nag-isip dun sa movie, nakatingin lang ako sa screen, muntik pa kong makatulog sa umpisa at gitna.

at ang pinakamahalagang batayan kung maganda ang isang movie



  • After Effect, (eto 'yung epekto sa 'yo ng movie after mong manuod, either na pa-oonga noh?, or parang merong di ka makalimutan at kahit lumabas ka na ng sinehan eh kitang kita sa'yo na naapektuhan ka, pedeng lss, or pinagkwekwentuhan n'yo 'yung movie after kahit pareho naman kayong nanuod or gustung-gusto mong ikwento ito sa iba s sobrang ganda.) at eto ang good news, MERONG After Effect! Maririnig mong nagkwe-kwentuhan ang mga tao, at kitang kita or damang dama mo na nanuod nga sila nung movie, 'yun nga lang negative. Pinagkwekwentuhan nila kung ga'no sila nadismaya at damang dama mo kung pa'no sila nanghinayang. at ito ang pinakapinagbatayan ko kung bakit ako naiinis. Pero wala na kong magagawa eh! tapos na!

masmabuti pa nga kung ako lang hindi nagandahan, kasi baka ako lang 'yung nadismaya, eh hindi eh!



Sorry po talaga sa mga gumawa at fans nung movie, I have to post this. Sorry!


DISCLAIMER: Di po ko isang magaling na kritiko ng mga pelikula, hindi rin po ako awtoridad sa larangan nito. Ang mga nabasa ninyo ay pawang mga opinyon at obserbasyon lamang. Salamat po! nakokonsensya talaga ako! hehe! pero sa 'kin lang, page ko 'to eh! Kanya-kanya lang tayong taste. Baka na-exag ko lang kasi dami nasayang sa kin nun, friday pa! hahaha!

*extra

nakwento sa'kin ng kasama kong nanuod, meron s'yang friend na sobrang nagandahan, at tuwang tuwa sa pagkwekwento. Nagtataka nga eaw s'ya kung bakit? Well, kanya-kanya lang talaga 'yan, dati nga marami rin kong narinig na nagkwekwento na sobrang ganda ng jumper...awww! Kung ikaw, nagandahan ka 'dun, malamang sobrang mamamangha ka rin sa wanted! hehehe!

note: medyo malalim po 'yung taste ko sa mga movie. Madalas nire-rate ko sila kung pang-movie house, pang-dvd or pang-pirated dvd lang. hehehe! Sa 'kin maganda 'yung wanted for dvd.

'yung mga nakasulat sa taas, naisip ko lang 'yan after kong manuod at hindi habang nanunuod, baka kasi isipin ng iba ganun ko manuod ng movie, hehehe! After lang tsaka ko ina-analyze 'yung mga elements(?) n'ya



my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 10:37 AM, ,




the TEETH movie
Sabado, Hunyo 28, 2008

hahaha! parang galit na galit ako sa "wanted!" Actually kitang-kita sa mga mata ng mga nanuood na hinayang na hinayang sila sa pera nila!

well, isa lang masasabi ko sa kanila, KAMI RIN! Sayang ang 110 namin--buti sa mura lang kami nanuod. At buti para sa 'kin at inilibre lang ako ng kaibigan ko, di ba nga karen? Hehehe!

okey! anu ba 'yung teeth movie?

Napanuod namin 'yung trailer nun habang hinihintay ang palabas sa loob ng sinehan kahapon,
eto yung kwento ng trailer (by scene):

WARNING: Parental Guidance is Advised.

  • may babaeng nagpapacheck-up sa OB-Gyne, problema nung girl may something sa loob ng v*****a 'ya
  • screen black-out, sumigaw 'yung duktor
  • sa kweba, nakikipaghalikan 'yung babae sa bf n'ya, tapos nag-s** sila, tapos gulat na gulat ang mukha ng lalaki, at tiningnan n'ya ang kanyang t**i na para bang nawawala.
  • screen block-out, fade-in ang isang rosas na nagbu-bloom, hanggang sa ito'y tuluyan nang namukadkad. at lumabas ang salitang TEETH.

Nagtawanan ang lahat ng kalalakihan sa sinehan, reaksyong pa nga ng katropa ko, san nanggaling ang kwentong yan! hahaha! sagot ko naman, kung lahat ng ganyan ay may ganyan, ma-e-extinct ang mankind, nasabi ko 'yung ng malakas at nagtawanan ang lahat ng katabi ko.. hehehe!

  • tapos lumitaw sa screen, on every rose comes with its thorns *aww!

'Yan ang teeth movie, gusto mo bang maranasan ang dinanas ng lahat ng mga naging s'yota nung girl sa movie? hahaha! Ako? HINDI!

Movie trailer ratings: a perfect 5

di ko nire-recommend 'yung movie na 'to ha? nakwento ko lang 'yung trailer n'ya

extra:

may advantages din naman 'yung teeth eh! (1) wala nang rape cases, kung meron man, we will be assured that justice will be served simultaneously, (2) bababa and populasyon ng tao, (3) magbu-boom ang hospital industry, dami magpapa-artificial insimination(tama ba spelling ko?) at (4) mamamatay ako*JOKE! hehehe! oops, bago ko makalimutan, (5) kikita nga rin pla ang mga DENTIST at ang mouth wash/toothpaste industry! At magkakaron na ng bagong market ang Toothbrush Companies, New products nila? Feminine toothbrush! hahaha! wholesome ako ha?!



my signature by http://www.mylivesignature.com

Mga etiketa:

posted by Tajo @ 11:17 AM, ,




A fruitful[?] week

Things that happened last week:

  • MOL Recommissioning
  • Frank stroked Greater Manila Area (I just don't want to use it's initials--I'm Kapamilya)
  • Undergrads' classes were suspended
  • Lots of people died and are still missing until now
  • I have read a book of a famous Filipino writer (better not to mention his name and book for he should reclassify his works as good for children aged 12 yrs and below), I've finished reading it after 6 hrs--6 wasted hours. Blogs of Jet David, Jim Paredes, and Bo Sanchez are far better than his books...and take note, their articles can be read for FREE!
  • New CPA's took their oath @ PICC, testimonial dinners were prepared for them sponsored by their respective review schools
  • Of course, I, with my undergrad classmates also prepared a testimonial lunch for ourselves. hahaha! Gaya-gaya lang!
  • We gave our contributions for Sagip Aklan being lead by our Aklanon classmate.
  • After which, my friends and I got disappointed with what we've watched --Wanted. Don't watch this movie on theaters for I assure you, you too will get disappointed, Story/plot, fight scenes and effects--I'll give it a rating of 5 stars (whoa! Isn't it obvious that I really really love it that I gave it a perfect score? NO), it's 5 stars out of 10.

my signature by http://www.mylivesignature.com

Mga etiketa: ,

posted by Tajo @ 10:40 AM, ,




Happy Father's Day!
Linggo, Hunyo 15, 2008

: Ueki, ano ang gagawin mo, kung sakaling may lumapit sa'yong isang lalaki at sabihing siya ang tunay mong ama?


Hindi ako maniniwala sa kanya,
'pagkat ang tunay kong ama
ay walang iba kundi ang taong nagpalaki
at nagmahal sa akin.

Wala akong pakialam kung s'ya ba
o hindi ang biyolohikal kong ama,
basta ang mahalaga,
siya ay tumayong ama sa akin,
at kahit kailan, wala akong kikilalaning
TUNAY NA AMA kundi SIYA!
- UEKIhttp://www.anime.com/Law_of_Ueki
(The Law of Ueki)

: (kausap ang kanyang sarili) Tama nga naman, ang lakas ng loob kong puntahan s'ya dito sa mundo at sabihing ako ang tunay niyang ama, samantalang kahit kailan, hindi ako naging ama sa kanya!


Maligayang Araw ng mga Ama!

Sa lahat ng mga ama, at mga tumatayong ama, sana'y magkaroon kayo ng walang hanggang lakas, pang-unawa, pagkalinga at pagmamahal. Nawa'y puspusan kayo ng May-Kapal ng walang humpay na biyaya, ng sa gano'y maipagpatuloy ninyo ang inyong mga dakilang gawa. Sapagkat:


Sa bawat ama ipinagkakatiwala
Ng Diyos na lumikha
Ang pag-aaruga sa bawat pamilya.


When I was a kid before the age of 6, I've learned the Water Cycle. That was when I asked my Dad why do heavens cry!


And during elementary, the Three Branch of the Philippine Government, when I asked him if the presedent is the boss of the country.


Also, the dollar reserve of BSP, and some other topics in Economics when I asked him why don't the government print more money so no one will suffer poverty.

He taught me to fly a kite, ride a bike, proper handling of samurai, how to shoot with bow and arrow, to read and write, that rectangle is also a square, to give importance to everyone, to say thank you even to the driver whose service has been paid, to reason out, etc., but he missed to teach me how to properly court a girl for he's already gone when I first fell in-love! But he had shown me how to love.


I hope that I could be a fine man whom he could be proud of wherever he is now!


Happy Father's Day, Dad!


We miss you so much!


*if you'll visit us, tonight, please don't scare us,

don't bring anyone else, just you ang Kuya, okay!


We Love You so much!

extra:

Happy 3rd 15th of June to my Ren! I love You! xoxoxo

extra extra: A joke-not of my taste

Two small boys, not yet old enough to be in school, were overheard talking at the zoo one day.

"My name is Billy. What's yours?" asked the first boy.

"Tommy," replied the second.

"My Daddy's an accountant. What does your Daddy do for a living?" asked Billy.

Tommy replied, "My Daddy's a lawyer."

"Honest?" asked Billy.

"No, just the regular kind", replied Tommy.

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 8:13 PM, ,




Gintong Pamana
Sabado, Hunyo 14, 2008

Yaman ng bawat Pilipino, isang libong taong itinago.
Ngayon ay atin nang masisilayan.




















Ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino!
'Pagkat walang katulad,
ang lahing iyong pinagmulan!



my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 4:15 PM, ,




Should bees really not be able to fly?
Sabado, Hunyo 7, 2008

Okay!

I, too, is wondering if this is really true! That bees should not be able to fly. According to some scientists, they are violating the Law of Aerodynamics.

And to some poets/writers, though it's impossible for them to, having no knowledge of its impossibility, they tried and persevere, so now, they succeed!

  • Is ignorance an exception to physical laws?
The answer is a big NO!
Even when we were still kids, being not aware of the law of gravity, we were still subjected to follow the law. Wait, did I say to follow? Actually, we are not following physical laws, that's why it is not important for us to know these laws to be its subject. Although we would attempt to violate these laws, we could not, because physical laws are absolute and they apply universally.

Physicists, as what do others think of, did not make these laws. They just studied, be able to discover and explain them to us. Not to follow but to understand how do things around us, work. These laws are already here since the very beginning of time.

  • But if they're not, then who is the author of these laws?
The Author is the Divine Creator, and no one else!
So, He is the only one who can bend it but He is far far Intelligent than us, He would not be needing to. For His knowledge is eminent, there are things He knows He can do, far better than we could imagine, without violating His laws. For we, men, who cannot explain nor understand His works, called them miracles.

  • So, should bees not be able to fly?
We know they can fly so they should. Not because we cannot explain things they should not happen.

  • Do bees violate the law of aerodynamics?

They--with some other insects--don't violate the law of aerodynamics. But the same understanding as to birds' and airplanes' are not appropriate to them because there are some other factors we have to consider, like the manner/movement of their wings which are different to birds' and airplanes'. The capabilities of man to study these are limited. So, as of now, they are mysterious but definitely it's not magic.


The law of gravity. When 2 things of different size/weight dropped from the top of the building at the same time will land on the ground exactly at the same time, too. If you'll try it, say, drop a 4-kilogram stone and 1 piece of a table napkin. Without knowing the law, we can draw a conclusion that the stone will reach the ground 1st for the reason that it weighs more.


Well, actually we have done this in our physics class in 3rd yr high school. Our hypothesis is the same as above and it turned out to be right, the stone reached the ground first. But according to our teacher, our reasoning is wrong. The true reason why did the stone reach the ground first is that, though the law of gravity applies, there are some other factors to consider. The pressure of the air for example. It slowed down the fall of the napkin, actually the wind have flown it outside the campus. hehe! So Same things apply to the bees vs. aerodynamics quotation, there are lots of other things we have to consider.


The Inspirational Quotes


Some people make poems or writings to inspire people which are sometimes illogical or without concrete basis. They do not sometimes give a damn to logic for those they are attending to are people who are emotionally low who maybe are turning illogical and can be easily tricked. Their instentions are good. But remember, the end does not justify the mean! It is not good to inspire people and then making them ignorant of the fact as a consequence.

I hope that after you inspire people, and after they had recover from their emotional fall, you'll let them know the truth behind of it.

idea of bees vs. aerodynamics by anonymous made decades of years ago.

I being reminded of which by : Ms. Bianca G. on her post last june 4.

Scientific explanations learned from Dr. Galapagos

To read a more technical explanation, click here!


my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 10:55 AM, ,




Narnia: Prince Caspian
Huwebes, Hunyo 5, 2008

Napanuod ko kahapon!

Medyo naguguluhan ako...kasi, and prince Caspian ay book 2 tapos 'yung the Lion, the Witch and the Wardrobe ay book 4, pero sa movie bakit pinapalabas nila na unang nangyari 'yung book 4 kesa sa book 2.

Anyway, more than 2 yrs ago, napanuod ko ang 1st Narnia Movie, sa sinehan. Nagulat ako, kasi may pagkakahawig ang kwento sa Gospel at Revelation, 'eto po ang magkakahalintulad:

Narnia : GOSPEL

Peter -leader/ high king;
St. Peter -leader/ first Pope

Edmund -traitor;
Us -sinners

Sacrifice made by Aslan to get Edmund back;
Sacrifice made by CHRIST to get us free

White Witch -traitor, claiming all those traitor to be hers;
Lucifer -traitor, claiming all who sinned should be punished like him

Aslan Ressurected;
CHRIST did

Aslan left Narnia;
CHRIST Ascended

Aslan will come again when time ask him to;
the 2nd coming


Narnia : Revelation
Lives taken away by the witch for Narnia were taken back by Aslan;
Those who'd/ll die for JESUS and following him will rise from the dead and live eternally

The battle between the witch and Narnians, Narnians won, and witch's evilness ended;
At Judgement day, 666 will fall and all evilness will end

Tinanong ko ang philo/thei prof namin kung pede ba magkaron ng analogy ang narnia at Christianity, sagot n'ya, di malabo meron nga silang pagkakahalintulad dahil, ayon sa kanya, habang naisasanlin-lahi ang Chronicles of Narnia sa India, kumakalat noon ang Kristyanismo, kaya 'di malabong maimpluwensyahan nito ang alamat!

Nakatulong 'yung ginawa kong analogy, kasi, dito ko lang ganap na naintindihan at maipapaliwanag, kung papaano tayo iniligtas ni JESUS--the Holy Sacrifice.

Minsan ang mga simpleng bagay na nakapaligid sa atin,
ang s'yang makatutulong sa atin
na maunawaan ang mga komplekadong bagay.
my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 9:08 PM, ,




Hoping for Negative Results

hahaha!

I was thinking, when it's about the school, licensure exams, etc., we're praying for a positive result to pass.

But, what is/are the test/s we are praying to pass by getting a negative one? Well, the hospital test/s ofcourse.

I hope it's negative!


can't say what kind of test it was, remember I choose my life not to be an open book...
so I'll play somehow mysterious here! hehe!

Let's: Enjoy life! Wear smiles! & Laugh harder!

Have a blessed day! =)
my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 8:38 PM, ,




Unang Sibilisayong Pilipino, Kauna-unahan sa Mundo [?]

Sa edad kong ito--21, hindi ko pa masyadong maintindihan kung saan ba talaga ako nagmula. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aking tinitirhan bago pa dumating sa bansa si Magellan.

May mga kwentong binigay sa libro kung sino ang aming mga ninuno. Ang mga ninuno ba namin ay sadyang mga banyaga rin? Ayon sa mga kwento, ang mga sinaunang Pilipino ay nagbuhat sa iba't ibang bansa o pulo na nakapalibot sa Kapuluan ng Pilipinas.

Ang mga kwentong ito, ay mga teyorya lamang. Ito ay parang mga alamat na tinanggap na ng nakararami. Para sa iba, sapat na ang mga ito.

Kung totoo man ang mga kwentong ito, ano ba ang nangyari, mula ng dumating sila, hanggang sa dumating ang mga kastila sa bansa. Wala na...hanggang doon lamang ang kaalaman ng mga Pilipino.

Para sa iba, bakit pa natin sasagutin ang mga katanungang ito lalo na kung mahirap itong gawin.

Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino. Pagkat ang mga Pilipino ay may-takot sa Diyos, isang lahi na pinagpala ng magandang bayan, at isang lipunan na masigasig na ibinabangon ang bayang sinira at tuluyang sinisira ng bulok na sistema.

Ngunit, tama ba na sabihin kong *sinira*? Ano ba ang nasira? Bago ba dumating ang mga mananakop ay mayroon nang sibilisasyon sa ating bayan? Maaring ang mga sinaunang Pilipino pala ang nagturo sa ibang lahi ng kanilang ipinagmamalaking sibilisasyon.

Paaano kung may isang mahalagang bagay na makasasagot ng ganitong katanungan ang mahukay sa ating bansa. Papaano kung ang plano ng Great Pyramids ay nandito sa Pilipinas? Papaano kung ang mga sinaunang intsik at hapon ay gumagamit ng alibata sa kanilang pagsulat. At ang kauna-unahang kaharian na naitatag sa Europa ay pinamunuan ng isang ermitanyong Pilipino.

Napakaimposible nitong mangyari di ba? Lalo na kung walang isang Pilipino ang magkakainteres na magsaliksik upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kauna-unahang sibilisasyon sa bansa na maaaring kauna-unahan din sa sanlibutan.



malay mo, meron na...
watch Gintong Pamana
on abs-cbn, july 8 @ 10pm
my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 12:51 PM, ,




Si Kabatak!
Lunes, Hunyo 2, 2008

Nakasabay ko kanina ang aking kabatak *di kami adik ha?!* pauwi ako galing Review at siya nama'y galing MLQ. Katatapos lang n'yang kumuha ng pagsusulit n'on.

BOARD EXAMS for Nurses.
after 2 mos. pa lalabas ang resulta ng exams.

ipagdasal naman po natin siya pati na rin ang iba pa na sana makuha nila 'yung score na dapat talaga nilang makuha! hehe! sana walang anumalya!

buti pa s'ya medyo tapos na ang paghihirap. ako sa October pa... Pero lam naman natin na

Sa bawat pagtatapos, may bagong simula.
pero 'di rin naman siguro paghihirap 'yun, pagsusulit lang! haha! anung pinagkaiba! *spelling* hehe! basta, nakwento ko lang!
my signature by http://www.mylivesignature.com

Mga etiketa:

posted by Tajo @ 6:09 PM, ,




World's Easiest Quiz!
Linggo, Hunyo 1, 2008

copied from Jet David's junkyard
(Passing requires 4 correct answers)

1) How long did the Hundred Years War last?


2) Which country makes Panama hats?


3) From which animal do we get catgut?


4) In which month do Russians celebrate the October Revolution?


5) What is a camel's hair brush made of?


6) The Canary Islands in the Pacific are named after what animal?


7) What was King George VI's first name?


8) What color is a purple finch?


9) Where are Chinese gooseberries from?


10) What is the color of the black box in a commercial airplane?


All done? Check your answers below!




ANSWERS TO THE QUIZ

1) How long did the Hundred Years War last?
*116 years


2) Which country makes Panama hats?
*Ecuador


3) From which animal do we get cat gut?
*Sheep and Horses


4) In which month do Russians celebrate the October Revolution?
*November


5) What is a camel's hair brush made of?
*Squirrel fur


6) The Canary Islands in the Pacific are named after what animal?
*Dogs


7) What was King George VI's first name?
*Albert


8) What color is a purple finch?
*Crimson


9) Where are Chinese gooseberries from?
*New Zealand


10) What is the color of the black box in a commercial airplane?
*Orange, of course.


What do you mean you failed?!

hahaha! I did fail, too. I've got zero! -tajo

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 2:37 PM, ,