<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9133849170282782900\x26blogName\x3dTAJO\x27s+TAHO\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://magtatajo.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3dtl\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://magtatajo.blogspot.com/\x26vt\x3d5632157464213475829', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

TAJO's TAHO

A Precious Prize for Precious!
Lunes, Hulyo 28, 2008

I want to congatulate my sister-in-knk and our valedictorian in RiSci, Ms. Precious 'Ka Pre' Grullo.

After four years in Intermed Program of UP Manila, she got her diploma in BS Basic Medical Sciences cum laude (a good doctor in the making).

Hehehe! Galeeng! hehe!





...mabuti talaga ang DIOS, 'no? OK na sa 'kin ang mag-survive lang pero sobra pa 'yung binigay N'YA!

-P.Grullo


Totoo pong walang katulad ang pag-ibig ng AMA sa atin. 'Wag po tayong mahihiyang lumapit sa Kanya, dahil lagi lang N'YA tayo hinihintay, at kahit pa hindi tayo lumapit sa kanya at 'di man natin hingin, kung alam N'YA na makabubuti sa atin, ipagkakaloob N'YA.




Kahit tayaan mo ang lahat ng number combinations sa lotto, kung hindi para sa iyo, hindi N'YA ibibigay sa'yo, kaya N'YA na hindi matuloy ang lotto. Pero kung para sa iyo, ibibigay N'YA 'yun sa'yo kahit isa lang ang tayaan mo.

-'Atty. D'


Pero tandaan po natin na kahit anong gusto N'YA na patamain ka, kung 'di makakabuti, hindi ibibigay, at saka, hindi ka rin mananalo kung 'di ka tataya. Meaning, kailangan mo ring kumilos para makamit ang para sa'yo. Hinihintay lang N'YA tayo, lahat ay inihanda na N'YA para sa ating lahat.

***
sunday night na lang ko gagawa ng tona(post sona) at just like heaven(sunday reflection for last sunday)

extra:
Ang Hotel at ang Motel daw po sabi ni Atty.D ay pareho lang naman--pareho silang TIRAhan.

Magkaiba lang sila, dahil ang hotel ay binibigkas ng mabagal, ngunit ang motel, mabilisan lang 'yun (ang pagbigkas din po ba?). Hehehe!
*ang 'di natawa, slow or walang bahid ng ganitong tipo ng kaisipan. hehe!



my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 7:43 PM, ,




RONA (pre-SONA)
Sabado, Hulyo 26, 2008

bakit raw rONA, kasi rONA comes before sONA...(corny)

Anyway, kahapon, nanuod kami ng balita sa tv. Ipinakita 'yung isusuot ni gloria sa SONA niya sa Lunes.

Tinanaong ako ng ate ko kung ano raw gusto ko marinig na sabihin n'ya, wala lang, tugon ko. Kahit naman ano pa sabihin ko, 'di rin mababago sasabihin n'ya eh! Sumagot ang ate ko, hula ko ang gusto mo marinig sa kanya 'i resign!'.

Nagulat ako, kaya sumagot na lang ako. Hindi noh! Dalawang taon na lang s'ya pangulo magreresign pa s'ya, pagbigyan na lang natin s'ya, nakapagtiis tayo ng mahigit 5 taon tapos 2 taon na lang 'di pa natin ibabalato sa kanya, malay mo may magawa pa s'ya, tsaka kahit naman may gawin s'yang masama, i'm sure lesser evil 'yun, kasi paniyak ang papalit sa kanya gagawa rin ng masama. Eh ipaubaya na lang natin sa kanya, kasi atleast matatag s'ya at ekonomista, kahit papa'no may-alam.

Pero ang gusto ko talagang marinig sa kanya ay 'di ang mga ipinagmamalaki n'ya na nagawa n'ya kundi ang mga ito(sigurado kong bebenta sa mga tao):


  • Aminin n'ya ang problema at totoong kinalalagyan ng bansa.
  • Sabihin n'ya sa mga tao na bilang pinuno ng bansa ay gagawin n'yang lahat para makabangon tayo mula sa mga problemang ito.
  • Sabihin n'ya sa lahat na hindi n'ya kaya na mag-isang kumilos para maiangat ang bansa kaya kailangan n'ya ang tulong natin
  • Hikayatin o himukin ang lahat na magtulungan
  • Gumawa siya ng speech na pupukaw sa damdamin ng bawat Pilipino maging ng mga kalaban niya sa pulitika (katulad ng sa mga hari/heneral bago sumugod sa gyera).
  • Kailangang maitaas n'ya ang morale ng lahi nang sa gayo'y maging produktibo at inspiarado ang bawat isa.
  • Himukin ang simbahan lalo na ang media na nawa'y sa kanila mag-umpisa ang pagkakaisa, dahil sila ang may pinakamalawak na impluwensya sa kaisipan ng bawat isa. (sana itigil nila ang magmamagalingan)
  • Sabihin n'ya na marami s'yang limitasyon at pagkukulang, kung kaya hingin niya sa lahat na maging mahinahon at idaan sa tamang proseso ang mga pagwawasto sa kanyang magagawang pagkakamali at ng iba.
  • sabihin n'ya na magagawa nating harapin at lutasin ang mga suliranin ng bansa, pagkat tayo ay mga Pilipino, lahing walang inaatrasan, masikap, at mapagtagumpay!


Ang kailangan ng isang bayan sa panahon ng kahirapan at kagipitan ay hindi ang mapagmayabang na mga salita kundi ang mga salitang bubuhay sa pag-asa at morale ng bawat isa. Ang SONA ay ginagawa upang iapaalam sa mamamayan kung ano na ang kinatatayuan natin at nang sa gayon ay tawagin ang lahat na magkaisa at kumilos para sa pagbabago o sa ikauunlad pa ng ating bayan.

Ang hamon ay para sa bawat isa, para sa iyo, kaya ang kahahantungan ng bansa sa susunod na mga taon ay dahil sa kung ano ang gagawin ng bawat isa, kung ano ang gagawin mo. 'Wag kang magtuturo, dahil damay ka rin dito!

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 1:04 PM, ,




Congrats to the New Nurses! (esp.Pau&Mae)
Biyernes, Hulyo 25, 2008

Barrameda, Romina Paula
Briones, Mae Joanne



Naaalala n'yo pa ba nung kelan lang ay humingi ko sa inyo ng prayers para sa aking kabatak at sa iba pang kumuha ng pagsusulit para sa NLE? Maraming salamat po.

Pumasa po ang mga kaibigan kong kumuha nito, 'yung dalawang pangalan po sa itaas, dalawa lang po 'yan sa mga kaibigan ko na nakapasa, 'di ko po kasi matandaan 'yung mga apelyido nung iba. Maraming maraming salamat po!

Sa inyong mga pumasa, CONGRATULATIONS! Nagbunga na rin ang mga pagsisikap n'yo. GOD Bless sa inyong mga karera sa buhay!

EXTRA:
Si Nurse Paula po 'yung tinutukoy ko na kabatak ko sa radio broadcasting, TOP 10 po s'ya! KABATAK! 'm so proud of you! kita mo na, pinagmalaki kita sa lahat at pi-nost ko pa sa blog ko..hehe! GOD Bless! Talga pong epektibo ang pananalangin bukod sa pag-aaral lang, at ang nakakatuwa ay may bonus pang ibibigay sa'yo kahit 'di mo hingin! ;)




"super generous si God, He gave much, much more than what I've prayed for..Salamat sa Kanya..."



"...super pabonus talaga ni God, grabeng buhay na patotoo(ng) walang imposible kay God basta magtiwala lang tayo sa kanya!"

-P.Barrameda



*hehe! napagtrip-an ko kasi s'yang interviewhin, idol eh! hehehe! GALEENG TALGA!

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 3:56 PM, ,




Let Me Take You There
Huwebes, Hulyo 24, 2008

*a very good song dedicated to ***, i love it*

Let Me Take You There
by Plain White T's



I know a place that we can go to
A place where no one knows you
They won't know who we are
I know a place that we can run to
And do those things we want to
They won't know who we are


Let me take you there
I wanna take you there
I know a place that we've forgotten
A place we won't get caught in
They won't know who we are

I know a place where we can hide out
And turn our hearts inside out
They won't know who we are
Let me take you there
I wanna take you there
Let me take you there
Take you there

I know a place we'll be together
And stay this young forever
They won't know who we are
Let me take you there
I wanna take you there
Let me take you there
Take you there

We can get away to a better place
if you let me take you there
We can go there now
cause every second counts
Girl just let me take you there
Take you there

*Let me take you there!!!*


my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 6:27 PM, ,




Hayy! Lifehouse! (walang moral lesson 'to ha?)
Lunes, Hulyo 21, 2008

Ayun, nakita ko na naman ang commercial ng lifehouse...kakalungkot, 'di na ko makakapanuod.

After kong mag-ipon ng halos isang buwan para makabili ng 2 ticket at s'yempre pang-dinner at taxi namin nung akala ko na makakasama ko, 'di rin pala kami matutuloy. Matapos kong gutumin ang sarili ko. Haha! Buti 'di ko bumili agad ng ticket! haha! at ibinili ko na nga lang ng sapatos. Ibili ko rin kaya ng damo para makalimot ko kahit sandali<<--JOKE! say NO to DRUGS, para lang masmadrama kaya ko ni-type(Oops..isa sa mga weaknesses ng taglish, dapat tINype yun eh, kaso mukhang malabo, isama na rin natin 'yung dalawang ticket at mga ticket na dapat may 's' diba? Eh tagalog, angsagwa. hehehe! nagpapanggap lang na henyo, para gumaan naman ng konti.)

Di na kami tuloy kasi, may nangyari na 'di ko inaasahan, sensya na, naikwento ko lang. pero ang malungkot talaga 'yung 'di inaasahan eh... Boo! (wala lang, natripan ko lang mag-boo, kasi ginamit kanina ng kabarkada ko sa post n'ya sa blog n'ya eh. e.. nakakainggit, gayahin ko na lang! BOO! BOO! BOO!

extra:
Opo, isinapubliko ko nga 'to, pero 'di ko sinabi kung anu talaga nangyari at kung sino ka, kasi kahit papa'no, may privacy dapat, di kasi ko artista o pulitiko eh, sila nga may mga secret pa eh! anu kaya 'yun, ako, alam ko...gusto ko mang sabihin kaso may executive priviledge ako.. hahaha!

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 8:17 PM, ,




Needing Your Prayers

Kailangan ko po ang tulong n'yo, sana po ay isama n'yo ko sa mga prayers n'yo.

Sa October po kasi ay kukuha ako ng CPA Board Exams. Nag-enroll po ako sa review school kaso, mukhang kulang na kulang ang ginagawa ko para magseryoso pag-aaral. Sa katunayan nga po, 1st Pre-Board na namin sa August 2, kaso mukhang ganun pa rin ako.

Isa lang naman po ang hinihiling ko sa inyong isama sa panalangin n'yo. Sana ay makapag-focus na ko at magseryoso at malayo sa tukso(tulad nito) kahit hanggang Oct. lang.

Ilang beses ko na po kasing tinangkang magseryoso kaso lagi ko natitigil dahil kung anu-ano dumadating na mapaglilibangan kaso nawawala ko sa focus. Alam ko naman pong sa akin nakasalalay kung magseseryoso ako, pero malaki po ang maitutulong ng guidance mula sa itaas. Kaya hinihiling ko po ang mga panalangin n'yo.

Maraming salamat po! =)
my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 5:51 PM, ,




Alingaw-ngaw
Linggo, Hulyo 20, 2008

ISANG bata ang nangahoy sa bundok. Pagkarating niya sa tuktok ng nito ay namangha siya sa napakagandang tanawin. Habang napapamangha ay naisipan nitong sumigaw ng napakalakas...

(!!): H E L L O O O!

Laking gulat nito ng may sumagot...

(??): H E L L O - L O - L O...

(!!): Kamusta ka?

(??): Kamusta ka?

Nainis ito dahil kahit ano'ng sabihin niya ay ginagaya nito.

(!!): Nang-iinis ka ba?

(??) Nang-iinis ka ba?

(!!) Ginagalit mo ko ha?

(??): Ginagalit mo ko ha?

(!!): P*tang *na mo!

(??): P*tang *na mo!

Sa inis ng bata ay umuwi na ito at nagsumbong sa kanyang ina. "Nay, may salbaheng bata dun sa kabilang bundok. Ginagaya po niya lahat ng sabihin ko. Sa inis ko tinanong ko po kung bakit n'ya ko iniinis tapos minura n'ya ko! Kainis talaga 'yun!"

Humalakhak ng malakas ang kanyang ina at sinabing, "Anak, hindi salbahe ang batang 'yun, kilala ko s'ya alam kong mabait 'yun kahit na madalas matigas ang ulo n'ya. Bakit 'di mo subukang magsabi ng magaganda tungkol sa kanya, makikita mo."

Kinabukasan, sa pagbalik ng bata sa bundok para mangahoy, muli niyang narating ang tuktok nito at sinubukan n'ya uling sumigaw at sundin ang bilin sa kanya ng kanyang ina.

(!!): H E L L O ! ! !

(??): H E L L O ! ! !

(!!): Kamusta ka?

(??): Kamusta ka?

(!!): Mabuti!

(??): Mabuti!

(!!): Gusto kitang maging kaibigan!

(??): Gusto kitang maging kaibigan!

(!!): Yey! Magkaibigan na tayo!

(??): Yey! Magkaibigan na tayo!

(!!): Sige, uwi na 'ko! Ingat ka!

(??): Sige, uwi na 'ko! Ingat ka!

Bumalik ulit siya kinabukasan at paulit-ulit kinausap ang alingaw-ngaw, hanggang sa malaman n'yang ang kausap pala n'ya ay walang iba kundi ang kanyang sarili. Kaya sa huling pagkakataon, sumigaw siya...

(!!): I LOVE YOU!

(**): I LOVE YOU, too!

***

Ang mga sabihin at gawin natin sa iba ay babalik rin sa atin. Maaaring ito sa ngayon o sa ibang pagkakataon at paraan.

Natural na sa ating mga tao ang mapaisip na, sana ang lahat ng masasamang loob ay maglaho na at lamunin ng lupa nang sa gayo'y makapamuhay tayo ng mapayapa.

At sana ang lahat silang mga kurakot at tiwaling opisyal, pinuno at kababayan ay kunin na ng Panginoon at sunugin na sa impyerno o 'di kaya'y magkaroron ng malulubhang karamdaman o 'di kaya'y bitayin na agad sa plaza sa harap ng madla.

Parang tama 'yun 'no? Sana nga mangyari 'yun sa lahat ng mga makasalan. Sana lahat ng makasalanan ay kunin na ng Diyos, ngayon na! (kung sakaling mangyayari nga 'to, **bloof** di na matatapos ang post na 'to, o matapos ko mang i-post, 'di mo na 'to matatapos basahin.)

Kasi po, lahat po tayo ay makasalanan. *uy may nagreact, 'di raw s'ya kasama sa lahat* Opo, lahat po tayo, kung iniisip mo na 'di ka kasama 'dun, ngayon pa lamang, pagnilayan po natin kung tayo ba ay isang tunay na humble o hambog lang na nagpapanggap na walang-bahid kahit kaunting kamalian.

Kung inaamin mo na na ikaw ay may kasalanan, bakit 'di natin ihanay ang ating sarili sa mga salot ng lipunan na nais nating maglaho na na parang mga bula.

Eh kung makasalanan tayo, bakit 'di tayo kinukuha pa ni Lord at parusahan. Kasi po gusto Niya tayong bigyan ng pagkakataong makapagsisi at magbagong buhay at maging instrumento N'ya upang maakay ang iba pa nating mga kapatid na naliligaw upang maibalik s landas patungo sa May-Likha.

Ang lahat po ay tinawag, na umunawa, magpatawad at umakay at mamuhay patungo sa kanya.

Batuhin natin ng tinapay ay mga bumabato sa atin ng bato at darating ang araw na tinapay na rin ang ibabato nila sa atin at sa iba pa na bumabato naman sa kanila ng bato.

Hindi masama ang makahawa at mahawa, kung ang bunga nito'y hindi sakit at sa halip ay kabutihan.


(pagnilayan ang: Karunungan 12:13.16-19; Mateo 13:24-30)

my signature by http://www.mylivesignature.com

Mga etiketa:

posted by Tajo @ 10:32 AM, ,




Secret Blog Project
Sabado, Hulyo 19, 2008

Ipagpaumanhin n'yo na po kung 'di ko nakakapagpost ng may-kwenta.

Dahil medyo busy ako(dapat) kaya 'di masayado nagpopost at nag-iisip.

At tsaka meron din po ko tinatapos na secret blog ko...
gusto mo i-visit? CLICK HERE!

'Yan po 'yung bago kong blog (maliban po sa multiply at blogspot ko na naka-crossed post)..haha! 'di mo ba mapuntahan? Eh kasi po secret lang 'yun, pero makikita mo rin 'yun, di mo nga lang malalaman na akin din 'yun kung 'di mo babasahing mabuti ang paraan ko sa pagsusulat! hehehe!

Gumawa kasi ko nun kasi po nasasayang 'yung mga ideya sa utak ko, eh, 'di po s'ya pede dito sa blog ko kasi PG-13 'yun! hehehe!

Marami po kong gustong i-post dito. Bali 'yung mga title ng mga 'yon ay: Abangan n'yo na lang pag nakapost na!

May laman naman po 'yun! Sana nga mapost ko na...

extra:

Bakit ang mga top secret files ay nilalagyan nila ng label na "top secret"

Kaya pag may nakakita sa isang folder na may ganun, kinukuha nila agad! Kung secret dapat i lagyan ng label para 'di malaman ng iba na secret laman nun at di nakawin! may point ko no? Parang tulad na lang ng nipost ko..Sinabi ko na may secret kaya malamang may maghahanap nun! hehehe! mahilig tau sa secrets eh! =P



my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 6:03 PM, ,




Limang Sandaling Pag-upo = Buhay
Miyerkules, Hulyo 16, 2008

Isang pilosopiyang pilit ipinaglalaban ng ilan sa mga taong minsa'y aking nakadaum-palad. Pilosopiyang kanilang ipinaglalaban kahit buhay pa ang kapalit nito!

Opo, BUHAY nga!

*** (BABALA: Medyo walang kwenta 'to. Nainis lang talaga ako)

Isang sitwasyong naganap lamang kaninang umaga sa LRT-Santolan Station.

Nakapila ako nang maayos habang nag-aabang ng tren. Ako, wala sa ugali ko ang makipag-unahan para lang makaupo, sapat na sa akin ang nakasandal lamang. Dahilan? Simple lang, sigurado naman akong maya-maya lang pagkababa ko ng tren ay mangangawit ang aking p'witan sa pagkakaupo.

Dumating ang tren! 'Di pa man bumubukas ang pinto nito, nakikipagtulakan na ang mga nasa likod para makauna sila at makaupo. Pero sino ba ang kawawa kung sakaling magkaroon ng aksidente? Malamang sa malamang 'yung nasa harapan.

Ako, 'di ko naisip agad 'yun, una ko naisip, baka mangudngud ang mukhsa ko sa maalikabok na pinto ng tren o 'di kaya'y sumayad ang aking damit at mapuno ng alikabok...(ay!! putik pala tawag 'dun! suri)

Pero paano nga kung may maaksidente. Halimbawa, sa pagtulak ng nasa likod, biglang lumusot ang paa ng nasa harapan, o 'di kaya, mahulog ang gamit(pede ring alahas na maraming diamonds para masmadrama), kaya bang sagipin ng followers ang mga biktima, kaya ba nilang panagutan ang kinalabasan ng kanilang maling ASAL(karaniwang ginagamit upang tukuyin ang masamang ugali)? Hinde 'di ba?

***

Ano naman ang kapalit nito? Akala ko isa lang, mga pala:

  • nakaupo sila at di nangawit sa pagtayo
  • nagagalak sila dahil pakiramdam nila ay nakapanglamang sila/nakaisa(tama)
  • tumataas ang morale nila dahil magaling silang sumingit at MAGPAHAMAK ng kapwa(isipin na lang natin na kapwa nga natin sila)
  • pakiramdam nila ay hari/reyna sila habang nakapalibot sa kanila ang kanilang mga aliping nakatayo

Biruin mo nga oh! May mga tao talaga na ang pilosopiya sa buhay ay, 1st come should serve!


extra:
Alam mo ba kung bakit inasal ang tawag sa Bacolod chicken bbq?

sagot:
Dahil kapag kumain ka nito, mapapamura ka at lilitaw ang iyong asal sa mahal ng babayaran mo. Tsaka 'di rin daw magandang tawagin 'tong Bacolod Chicken Inugali, kasi raw, masagwa!

Ang corny noh? hephephep! 'wag kang magmumura, lilitaw ang Asal!



my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 8:24 PM, ,




Sinong nauna, Einstein o Ernie Baron?
Martes, Hulyo 15, 2008

"Knowledge id Power" -Ernie Baron (1940-2006)

"Imagination is more important than Knowledge" -Albert Einstein (1879-1955)


Kung naunang mabuhay sa mundo si Einstein kaysa kay Ka Ernie, papaanong nagawa ng naunang kontrahin ang sinabi ng pangalawa? Magkakilala ba sila?

***

Ang mga katanungang tulad nito, ang s'yang naglalarawan kung papaano ako mag-isip. Nabibilang ito sa mga Teorya ni Tajo.

Ang Teorya ay; lihim bang naimbento ni Einstein ang Time Machine at nakapaglakabay s'ya sa panahon ni Ka Ernie nang sa gayon ay nagawa n'yang kontrahin ang pilosopiya nito sa kanyang (Einstein) panahon?

Napakalaking misteryo nito sa sangkatauhan! Mga katanungang sinubukan kong hanapan ng kasagutan sa aking mga kamag-aaral dati ngunit 'di nila ako masagot na maaaring may dalawang kadahilanan:
  1. Ayaw nilang mag-isip at bigyang atensyon ang aking katanungan dahil ito'y kahibangan lamang at walang mabuting maidudulot sa buhay nila!
  2. Nahihiya silang aminin na hindi rin nila alam ang kasagutan kung kaya't pinalalabas nilang kabaliwan lamang ang ideyang ito!


Ngunit ako, hindi ako titigil hanggat hindi nalulutas ang misteryo.

"Papaanong nagawang kontrahin ng isa ang pilosopiyang 'di man lang niya naabutan?"

Kung kaya't nagtanung-tanung pa ako, marami ang nagbigay ng komento at panibagong kuru-kuro kung papaano malulutas ang misteryo. May isang tumatak sa aking isipan na maaaring maidagdag sa mga teoryang ito, ito ay:

"Maaaring kamag-anak ni Einstein si Nostradamus!"-R.Larga

***

Noong una, natatakot akong ilathala sa aking blog ang teoryang ito sa takot na baka ako ay damputin ng mga kinikilalang mahuhusay sa kanilang larangan tulad ng CIA, Secret Service at ng Abu Sayaff sa pag-aakalang may alam ako tungkol sa Time Machine.

Ngunit bilang isang batikang nagpapanggap na manunulat, buong tapang kong haharapin ang takot!

***

Ikaw, kaya mo bang Lutasin ang misteryong ito? O katulad ka rin ng ilan na takot mag-isip? Lalo na 'yung mga takot na malaman na wala sila nito... Kaya mo bang harapin ang aking hamon?

KUNG OO! Magsimula ka nang magsaliksik kung bakit alam ni Einstein ang pilosopiyang "Knowledge is Power" at nagawa niya itong kontrahin?

clue: Kilalanin mo ang tao sa ikatlo, ikalima at ikaanim na larawan

May nag-iisip na g*go ko mag-isip, pero ang masasabi ko lang, alam ko ang sagot sa malamisteryong katanungang ito, sila ba alam nila? Kilala ba nila 'yung nasa ikalimang larawan?


***

Happy Sweldo Day! Malamang may date kami ni ren ko on friday! hehehe! ;)

my signature by http://www.mylivesignature.com.

Mga etiketa: ,

posted by Tajo @ 2:32 PM, ,




God (?) Save our King!
Lunes, Hulyo 7, 2008


Gustung gusto ko 'tong anime series na 'to. Anlalalim ng mga twist pero sobrang nakakatawa. Title pa nga lang may twist na nga 'di ba? Grabe, sobrang nahumaling ako dito. Dami ko inisasakripisyo para lang mapanuod 'to sa animax.

Final episodes na nga nito kahapon. Kaso, nakakainis ang Animax, 'di nila sinabi na nagpalit sila ng schedule, 'yun paglipat namin ng channel, tapos na! waaa! 'di ko pa nasasagot 'yung patung-patong na twist! Isipin mo na lang na may isang double agent ng isa pang double agent. 'Yun, ganun kalalim ang twist n'ya, kahit 'yung viewer 'di alam kung sinu-sino ba magkakakampi! 'yun yung problema last week at 'diko na nga mahintay 'yung susunud na episode na dapat eh mapapanuod ko kahapon. Kaso, 'di ko nga napanuod, wala sa 'ming 4 na magkakapatid 'yung nakapanuod! kainis!

Tapos hinanap ko sa youtube at crunchyroll, eh walang season 2, pero nagulat ako, may season 3 pa pala! YES! hehehe! Can't wait na mapanuod 'yung susunod na episodes! Yahoo! Ooops! nasa google nga pala ko! So...Googlesssss!!! hahaha!

next time na lang po 'yung review 'nung anime series!

my signature by http://www.mylivesignature.com

posted by Tajo @ 8:57 AM, ,